HALF A YEAR NA KAMI! 
wala bang babati jan?? *wink, wink*



ang pinaka bagong pakulo ni GMA: isang EO na nagsasaad na lahat ng taong nagnanais na magpakita sa senado ay kailangan muna ng permiso mula sa Malacañang.
sa isang magasin noon, may nabasa akong artikulo ukol sa pornograpiya. nakasaad sa artikulong iyon na ang isang taong nalululong sa mga masasamang bisyo katulad ng pornograpiya ay parang isang palaka na unti-unting pinakukuluan. kapag ang palaka daw ay basta mo ihinulog sa kumukulong tubig, mabibigla ito at natural, tatalon upang makatakas. ngunit kung ilalagay mo siya sa kaldero ng tubig at dahan-dahan itong pinainit, hindi niya mamamalayan na unti-unti na siyang nilalaga. mamalayan nalang ng kaawa-awang palaka na malapit na siyang maluto at ulamin.
unti-unti ng humihigpit ang kapit ni madam sa posisyon, at unti-unti na ring sinasakal ang mga karapatan ng pilipino. dahan-dahan, halos hindi nga maramdaman. naalala ko nung nag OJT ako, nagpadala ang Malacañang ng isang memorandum na lahat ng editorial ay kailangan munang ipakita sa kanila bago ito ilabas. marahil natakot sila sa kapangyarihan ng media, dali-dali rin nila itong binawi.
ngayon, lahat ng testigo ay kailangang maaprubahan muna. saang sulok ng mundo ka makakakita ng ganun? ngayon, mayroon ng kapangyarihan ang Malacañang na ipitin ang mga testigong maglalagay sa kanila sa alanganin.
at tuloy parin ang pagsulong sa CHA-CHA. ito "raw" ang mas makabubuti para sa bansa. andaming chuva. ang CHA-CHA ay isang paraan upang itago ang pagnanais ng kasalukuyang pangulo at ng kanyang mga alagad upang manatili sa posisyon.
"I'm the best person to lead this country"
aba. yan ang tinatawag na malupitang fighting spirit. makapal pa sa kalyo ko mukha nya ah.
gumising na tayo, bago tayo tuluyang maluto at maging ulam.



at eto lang ang masasabi ko sa sarili ko:
GOOD RIDDANCE.



i love you sweetheart. happy happy six monthsary. no matter what it may seem like to you, i am the happiest girl when you're with me. you're the best for me. you and no one else.
